Friday, September 11, 2009

Tulang hindi ko matapos-tapos

Napatulala ako sa aking palad, napatingin sa likoliko nitong daan.
Pilit pinipiga sa aking bunbunan, ang alaala ng nakalipas.

Ilang beses ko man pilit arukin
Ilang beses ko man tangkaing akyatin
Ang mga Mata ko’y napapatulala pa rin
mata ko’y napapatulala pa rin
Napapatulala pa rin
Tulala pa rin

Tulala, tulala


Nais ng isip ko na kumurap
Ayaw ng puso ko na kumawala
Anu ba ang naroroon sa daan na dati kong tinahak?
Bakit di na magawang umapak ng bago kong sandalyas


Sa mga titig ko na lamang nalalakbay
Ang mga daang dati’y alam ko
Ang mga daang dati’y kabisado ko
Ang mga daang dati’y ari ko
Hanggang sa magunita ko
Anino na lamang pala ang katabi ko


Unti unti ng nanlalabo mga sahig ng pasilyo
Tuluyan ng natakot ang mga paa ko na sumubok
Wala naman akong nadidinig na kabog ng dibdib
Kahit mahamog na sa buong paligid

(to be continued.....)

No comments:

Post a Comment