Wednesday, November 25, 2009

Tsismoso ang Panday (Tsismis ni Rio Alma)

May kwentuha’t nagsasaya,
Mga dakila kay Sarang
Tindahan. Tanong na una:
Ang panday wika’y ano ba?

Heto ang wika ng pantas:
“Opisyal o kumon, tawag
Sa panday ng Filipinas—
Ayon sa nabasang aklat.

May panday oro, may panday
Diwa, panday bakal, bahay,
At kung anu-anong panday
Na dinala sa tanghalan.

Ang taguri’y panday wika
Sa laksa ang talinghaga
Ng makakati ang dilang
Mababaho ang bunganga.

Basang labi’y nanunulay
Ang litanyang lumilinlang
Sa tenga ng kahuntahan.
(Na walang katotohanan.)

May antenang pang-ulinig
Sa lansangan ng paligid,
Ihuhulagway ang ibig
Na ibubuka ng bibig.”

KINATHA NI RAUL FUNILAS

Wednesday, November 18, 2009

PERSONALITY TEST…..PAGSASAMPAY NG DAMIT

NALD! ANG PANGIT NG PAGSAMPAY MO NG DAMET. NAKO, YAN ANG NAGDEDEFINE NG PERSONALITY MO -Kuya Three

Lagi ko yan naririnig sa mga kuya ko. Kesyo, ang paraan daw ng pagsasampay ko ng damit ang magsasabi kung sino nga ba ako.. Paanong ang hanger at t-shirt ay ako, at ako ang hanger at t-shirt. Di naman ako kasing kunat ng mga hanger dito sa bahay at di din naman ako kasing puti ng mga pinutian kong damet na nilabhan. Di naman makata si kuya para tumula, habang ako e nakabilad sa araw at nagsasampay.

Walanjo…may point ba si kuya??? Parang ayokong pumayag na may punto sya, kasi nahuli nya ako na sinasampay ang mga damit ng bara-bara, ibig sabihin ba nun e walang kuwenta ang personality ko???? Nakakatawa. Pero teka, di naman Psychology Graduate si kuya, ECE kaya ang course nya. Sa halip na personality test ang gawen nya e idetermina nya na lang kung gaano ba kalakas ang isang tao depende sa kakanyahan nyan tagalan ang kuryenteng kaya nyang padaluyin sa katawan nya…ayun maniniwala pa talaga ako…at maeexcite pa ng todo.



Crappy crap crap……hahahaha

toto


bagito si toto sa pag-aararo
hindi ng bukid kundi ng espalto
mas nanaisin nyang kalaro ang payaso
nasa sa likod tangan na palaso

hihinto na si toto sa pag-aararo
hindi daw nya mabubungkal ang espalto
nilinlang sya ng ideya ng payaso
itinarak na kay toto ang palaso

bumalik na si toto sa pag-aararo
patutubuin nya mga palay sa espalto
binulyawan ni toto ang payaso
“kailan hihilom sugat na dulot ng palaso?!”

isang napakalaking kalokohan

(Kinatha ko ang sanaysay, or should I say ang kalokohan na ito habang hinahayaang tumakbo ang orasan at naghihintay ng biyayang maaring bumagsak)


Kung may race lang ng pagiging slow ng utak baka sumali na ako. Di ko mawari bakit nitong mga nakakaraang araw e parang prusisyon ang galaw ng mga neurons sa katawan ko. Wala tuloy magawa ang isip ko kung hindi magisip ng kung anu ano…(kung pag-iisip nga bang matatawag iyon). Sa totoo lang di ko gusto kung paano natatapos ang araw, huli kong naririnig e ang boses ni Tony Gonzaga (tinatapos ko kasi muna ang PBB bago matulog), iniisip kung iniisip din ba ako ni code name Alferos, kinakabahan kung kailan ko nga ba matatapos ang requirement ko sa DevCom (last sem pa kasi dapat to tapos), nagiimagine na sana e mas mahaba na lamang ang oras ng tulog kaysa sa oras na gising ako…..crap, isn’t it?

Kung sisilipin ko ang lagay ng mental health ko sa kasalukuyan, mukhang di ko magugustuhan ang makikita ko. Kinakalawang na nga ata talaga ang bawat sulok at kanto sa loob. Nangangailangan na ng matinding pagtitiktik at paglalangis ang kabuuan nito

(Ayan nagsisimula na namang maubusan ng sasabihen ang utak ko, matapos ko sana to)


Ayoko rin namang mag-imagine, as much as possible I want to keep my mind busy sa mga bagay sa kasalukuyan, I hate it when my mind is trying to walk back to the past or trying to run forward to the future. Ayokong ayoko ang nagplaplano, go with the flow lang ako; kaya nga madalas akong binubulaga ng mga bagay na nangyayari sa paligid ko… no wonder napakanerbyoso ko.

Kapag tengga ang utak ko madalas akong nakakagawa ng mga bagay na di ko dapat ginagawa, isang beses nga dahil sobrang burn out na ang utak ko sa pagiisip sa wala e nasungitan ko sa text ang isa kakilala. Siguro nainggit lang ako dahil napakaactive ng utak nya nung mga oras na iyon, iupdate ba naman kame sa lahat ng nangyayari sa buhay nya; kesyo katatapos lang daw nyang gupitan ng tita nyang bakla, madame syang niluluto para sa undas, pyesta ang undas sa lugar nila, nakikipaginuman sya sa mga tito nya at laseng na sya…

(what the heck, stop it please! yan ang eksaktong binulong ko nung mga panahong naaasar na ako…ayeeeep, ang coño ng dating!)

Pwede bang patanggal muna
ako sa dlist mu tol?
Salamat ah.

Recipient:
Ano Nimus
+6391……..

Ang reply nya ata…


Ok, it’s not a problem

Sender:
Ano Nimus
+6391…….

YUN LANG ANG SAGOT NYA????? Sana e sinabayan nya ang ines ko nun, sana tinext nya na:

Mamatay ka sa inggit
Wala kang magawa no?
Maglaslas ka na lang
ISTORBO!

Sender:
Ano Nimus
+6391……..

Edi sana e may nagawa ang utak ko, nagalit din sana ako. sa pamamagitan sana nya e naging maaksyon at kakaiba ang gabi ko. Meron sanang naiproseso ang utak ko na kaiba sa kadalasang pinapatakbo nito.

(MEAN PEOPLE SUCK! sigurado kong yan ang sasabihin saken ni louis sa oras na mabasa nya to)


Sound tripping, isa rin yan sa mga first aid ko kapag ganito ang pakiramdam ko. Switchfoot sounds ang kadalasang nananalasa sa eardrums ko everytime I feel this way.

Example ng lyrics ng isang kanta nila:

I WISH I HAD WHAT I NEEDED
TO BE ON MY OWN
CAUSE I FEEL SO DEFEATED
AND I’M FEELING ALONE

DIBA? Swak na swak sa moment…parang mas lalo pa nyang dadagdagan ang sakit na nararamdaman mo sa dibdib at ang kabaliwan na pumupupog sa bunbunan mo.

Pero may pambawi naman sila, sa bandang huli ng kanta:

LET ME KNOW THAT YOU NEED ME
LET ME KNOW YOUR TOUCH
LET ME KNOW THAT YOU LOVE ME
LET THAT BE ENOUGH

Yan ang pinakainaabangan kong part sa kanta. Feeling ko lage e rejuvenated ang soul ko kapag yang lyrics na iyan na ang umeere. Parang there’s something within the words that will console your lazy bone. The whole song will transform to a lullaby that brings calmness sa mga emoterong tulad ko.

(Ang Let Me Be Enough ng Switchfoot is as a love song para kay God, nalaman ko lang ito isang lingo matapos ko isulat to. No wonder nagpapagaan sya ng pakiramdam)

Pero may malaking problema…..sira ang speakers ng computer ko. Wala ang Switchfoot at ang mga kanta nila para damayan ako at itolerate ang lahat ng ito. Wala akong magagawa, kailangang tiisen ang sumpong ko; ang pagiging usad pagong ng utak ko sa mga bagay na dapat ay ginagawa ko at pagiging The Flash naman nito sa mga alalahanin na tila anay na pinepeste ang utak ko.


(sabi ko sayo di ko matatapos to ng isang upuan eh, 1:01 am Monday na ata ngayon)
(may naisip na akong idudugtong dito eh, nakakaines, nakalimutan ko)
(kakatapos lang ng conference call with pril niña at louis….nakinig lang ako…once again stagnant na naman ang utak ko)
(habang di ko pa naalala ang dapat na nadugtong ko na sa katatapos lang na talata, boboka muna ako ng kung anu ano)



Paano na nga ba natapos ang araw ko nung sinimulan ko ang kalokohan na to???? Sa pagkakatanda ko sa saliw pa rin ng boses ni Tony Gonzaga, sa pagpikit ko wish ko pa rin na mas mahaba sana ang oras na tulog ako kaysa sa oras na gising ako. Pero syempre hindi rin natupad ang wish na iyon, wala pa rin akong ibang choice kundi paganahin ang utak ko.

Pero alam mo, kung masisipat lamang ng microscope ang commander ng nervous system ko ….sigurado ko na di naman ito huminto sa pagtakbo, di naman talaga nangangalawang ang mga sulok nito, ni wala man lamang bara sa mga ugat na dinadaluyan ng kung anu mang dapat dumaloy dito.. Marahil pinipili lang ng puso ko na huwag maramdaman ang bawat yabag ng utak ko. Pinipili nyang mabingi dahil ayaw nya ng marinig ang bawat hiyaw at bulyaw na mauulanigan mo sa oras na pakinggan mo ng masinsinan ang bawat sinasabi ng nasa loob ng matigas kong ulo. Di pala ang utak ko ang pagod sa pagtakbo, pagod na pala ang puso ko na maging tagasalo, tagasalo ng mga sakit na ikinukubli ng utak sa tuktok ko tuwing babalikan nito ang nakalipas at katatakutan na baka walang kahantungan ang hinaharap.

Sa dami na kasi ng nangyari sa kahapon ay parang ayaw ng iproseso ng utak ko ang bukas. Kaduwagan mang matatawag sa mga panahong gaya nito, isa itong napakalaking kaastigan. Ang dami kong natutunan sa pagpili na talikuran ang hinaharap at wag ng muling lingunin ang nakaraan. Marahil, magaling lang akong estudyante ng buhay, natutunan ko kasing aralin ang masasabi kong isang napakaepektibong metodolohiya sa pagpappanggap, pagpapanggap na lahat ay nasa tama nitong kinalalagyan, kahit wala naman talaga.

It took me 1 long week para matapos ang personal account na ito. Di nangyari ang lahat sa isang araw lang. Isang napakahabang lingo….ang daming naganap. Ang dami kong natutunan sa buhay…..ang sumpong pala na dinadaing ko ang syang magpapakita sa akin ng lunas sa mas malalim na sakit na matagal ko ng kinikimkim. Di pala ako top scorer ng exam sa leksyon na ito ng buhay, pero di ako nanghinayang, dahil dapat nga hindi ko ito kahit kailanman tinangkang aralin pa. Di ko ito nakabisa, napansin na ng mga taong na nasa paligid ko na di na ako ang dating kilala nila na tinatanaw ang kalayuan…di ko na daw namamalasan ang ganda ng araw, hindi ko na rin daw hinahayaang dumadampi sa akin ang ihip ng amihan.

Pinukaw ang isip ko ng mga katagang… I really miss the old you. Para bang naglaho na nga ang dating ako… na sa tingin ko naman ay nagtatago lang sa loob. Aaminin ko pinatulo nito ang mga luha sa aking mga mata. Matagal na ring di dumadampi ang mga luha na minsan ay naging tagadilig ng natutuyo ko ng pag-asa. Para bang bigla kong nakita ang liwanag, parang handa na ulit sa marathon ang ganado ko ng utak.

Hindi naman talaga tumitigil ang utak ko sa pagsulong, tinuloy tuloy nito ang pagtakbo ng palihim malayo sa kaartehan ng nagmamayari nito. Di ko sigurado kung nagstop over nga ba to. Ang alam ko lang minsan sa buhay ko, inakala ko na ang pagbagal sa pagtakbo ng utak na ito ay ang syang magpapabilis sa takbo ng orak ko. Pero hindi pala. Mali pala. Sira tuktok akong talaga. Ngunit isa lang ang sigurado ko….tatapusin ko, tatapusin din ng utak ko, kasama na ng puso ko na kapakner nito ang race ng mga emoterong tulad ko.


(aminin! once in your life…nag-emo ka din)
(ipopost ko ba to sa blog ko…nagrerequest kasi si mharie…sige na nga)