Monday, January 25, 2010

dinig mo sana








"KASING LALIM NG KATAHIMIKAN ANG WALANG HANGGAN"

mga salitang patuloy na
nakatarak sa aking bumbunan

alam kong mas niyayakap
ng katahimikan ang ingay ng sigaw
na nakapaloob sa aking mga awit

mga awit ng buhay...
kasama ang kuwerdas ng ligaya
tipa ng pag-asa
at huni ng kabiguan

magkasiping,
patuloy nilang hinahabi ang uyayi na
nagdadarang sa akin sa apoy ng kahinahunan

uyayi na humihila sa akin sa bingit
ng mga talampas
habang kinikiliti ng amihan ang aking mga kalamnan

uyayi na nagpapalasap sa akin
ng sarap ng mabuhay

uyaying walang ibang alam bigkasin
kundi walang hanggang
kawalan

habang nasa isip ka.....